Mali na ‘to. Maling-mali.

Iiwan mo rin naman pala ako.

Parang ayaw ko nang bumalik pa ng UPLB, hanggang nandoon ka.

Todo-iwas ka na nga, bitter ka pa? Ako dapat ‘yan e.

"I am the sex president."

College na ako.

‘Yun. Haha. Hindi ako excited masyado. Aral uli kasi, walang kapahi-pahinga, kulang pa. Hindi bale, makakapag-adjust din naman ako, hindi nga lang sa simula. By the way, enrolled na pala ako. Yehey! Sa wakas! Pumi-philosophy ang aking subject plus, Social Science 3 na all about sex and gender equality (actually, sakto sa’kin. Ako kasi ang pasimuno ng ganitong usapin sa klase, lalo na kapag C.A.T. Hahaha.) Ayun. S’yempre, may english at math. Ito ang dagdag, zoology at botany. Saan ka pa? Haha. Tila duduguin ako sa science. Mapa-hayop at mapa-halaman.

Tapos, patungkol naman sa sched ko, ayun ayos lang naman s’ya, 5:30PM ang late kong uwi dahi sa SOSC3.. At ang pinakamaaga ay 2PM. 4 days lang ang pasok kaya pwedeng magliwaliw kapag Lunes. Kaso, ‘yung 5:30PM ko, dalawang beses sa apat na araw. Medyo mahirap lalo na kapag may assignment na kailangan ng computer, ganun, research. Pa’no ba naman kasi, uncivilized much ang dorm ko. Nasa liblib s’ya, may walkathon pa para makasakay. Tapos, ang dorm ko hanggang 10PM lang. At, ang matindi, 8 kaming tao sa kwarto! Overpopulated. Grabe lang. Pero, tiis-tiis din. Imbis naman kasing lumabas pa ng campus e, doon na ako.

Oo nga pala, nagkaroon kami ng orientation noong June 4, ayun. Hindi pa rin ako makaget-over sa UP Naming Mahal.. Wala lang. Hindi ako makapaniwala na isa ako sa kakanta nun e. Haha. Hindi ako belong. Recon lang naman ako. Haha. Hindi nakakaproud nuh. Pero, darating din yan sa punto na nakakaproud na. Haha. Kapag second sem na! :D

Positive!

Hihihi. Pregnancy Test. :D

Anonymous asked: Have you done tumblrdatinggame(.)com yet?

No. I desperate not in love.

‎”Remi, sana the next time na magkita tayo, estudyante na kita.”

Ito ‘yung sabi sa’kin ng nag-interview sa’kin bago ako umalis. Hindi ko naman alam kung itake ko ba ‘to as assurance kasi nakakatakot din kapag nandoon ka na sa level ng expectation.. Pero, sana sa huli maganda pa rin ang resulta. :)

Bakit ba ako ganito?

Gusto ko laging makialam, gusto ko laging makatulong … Bwisit. Hindi naman ako bayani. Nababalisa akong masyado kapag gusto kong tumulong pero walang magawa. Parang gusto kong humanap ng paraan kahit illegal. Naiinis ako. Feeling ko, napaka-inutil ko. O, masyado lang akong feeling na magaling? Ewan ko. Naiirita ako sa sarili ko.